FlyOrDie.com

Mga panuntunan ng Dama

Ang Dama ay larong pangdalawang manlalaro, kung saan ang isang manlalaro ay may puting piyesa at ang isa ay pula. Bawat manlalaro ay nagsisimula sa 12 piyesa.

Layunin ng laro

Layunin ng laro na kunin ang mga piyesa ng kalaban o gawing hindi sila makagalaw

Simula ng laro

Nagsisimula ang laro sa posisyong ipinapakita sa ibaba, sa damahan na may 64 na parisukat sa 8x8 na grid. Unang gagalaw ang pulang manlalaro. Pagkatapos, salitan ang bawat manlalaro sa tig-isang galaw. Kailangang gumalaw ang manlalaro kapag siya ang nakataya. Sa madaling salita, hindi puwedeng laktawan ang galaw.

Paglalaro

Ang isang galaw ay paglipat ng isang piyesa sa ibang parisukat.

Pagkuha

Sapilitan ang pagkuha o “paglukso”. Kung ang parisukat na pahilis sa harap ng karaniwang piyesa ay okupado ng piyesa ng kalaban, at kung ang parisukat sa likod nito sa parehong direksyon ay walang laman, puwedeng “tumalon” ang piyesa sa ibabaw ng piyesa ng kalaban at lumapag sa bakanteng parisukat. Makukuha ang piyesa ng kalaban at aalisin sa board.

Multiple jump

Kung pagkatapos kumuha ay nasa posisyon ang piyesa para kumuha pa ulit (sa parehong dayagonal o sa iba), kailangan nitong gawin iyon bilang bahagi ng parehong turno.
Ang pagkuha ng dalawang piyesa ng kalaban sa isang turno ay tinatawag na double jump, ang pagkuha ng tatlong piyesa sa isang turno ay triple jump, at iba pa.
Kung may pagpipilian kang mga talon, maaari kang pumili sa mga iyon, kahit multiple man o hindi.

Mga hari

Kapag ang karaniwang piyesa ay umabot sa huling hanay ng board sa pamamagitan ng galaw, o bilang pagtatapos ng “talon”, nagiging hari ito; at doon natatapos ang galaw o “talon”.
Ang hari ay puwedeng gumalaw sa anumang direksyon at “tumalon” sa anumang direksyon sa ibabaw ng isa o higit pang piyesa, hangga’t pinapayagan ng hangganan ng board. Ang hari ay puwedeng tumalon nang dayagonal sa ibabaw ng isang katabing piyesa bawat beses, sa alinman sa apat na dayagonal na direksyon. Nalalapat din sa mga hari ang multiple jump.

Katapusan ng laro

Panalo

Panalo ang laro ng manlalarong
na nakuha ang lahat ng piyesa ng kalaban
na ang kalaban ay nagdeklara na sumusuko.

Mga tabla

Awtomatikong tabla

Tabla ang laro kapag, sa loob ng 40sunod-sunod na pares ng galaw, mga hari lang ang gumalaw at walang nakuhang piyesa.
Awtomatikong tabla ang laro kung walang panalo pagkatapos ng 300 galaw (150 bawat isa).

Paghingi ng tabla

3-ulit na pag-uulit

Kung eksaktong 
parehong posisyon ay maulit nang 3 beses
 (na parehong manlalaro ang gagalaw), puwedeng humingi ng tabla ang kahit sinong manlalaro sa puntong iyon.
Dagdag pa, kung maubos ang oras ng isang manlalaro habang may aktibong 3-ulit na pag-uulit sa board, ang laro ay 
awtomatikong idedeklarang tabla
 sa halip na talo.

Hindi sapat ang piyesa para manalo

Kung malinaw na 
hindi kayang manalo
 ng kalaban (hal. isang karaniwang piyesa o hari laban sa isang hari), puwede kang humingi ng tabla sa turno mo.
Dagdag pa, kung 
maubos ang oras mo
 sa ganitong posisyon, awtomatikong idedeklarang tabla ang laro sa halip na talo.

Pagkatalo

Talo ang manlalarong hindi makagawa ng anumang legal na galaw sa board.
Languages
English
Ingles
azərbaycan
Azerbaijani
bosanski
Bosnian
čeština
Czech
Cymraeg
Welsh
dansk
Danish
Deutsch
German
eesti
Estonian
English
Ingles
español
Spanish
euskara
Basque
français
French
hrvatski
Croatian
Indonesia
Indonesian
isiZulu
Zulu
íslenska
Icelandic
italiano
Italian
latviešu
Latvian
lietuvių
Lithuanian
magyar
Hungarian
Malti
Maltese
Melayu
Malay
Nederlands
Dutch
norsk
Norwegian
o‘zbek
Uzbek
polski
Polish
português
Portuguese
português (Brasil)
Portuguese (Brazil)
română
Romanian
shqip
Albanian
slovenčina
Slovak
slovenščina
Slovenian
suomi
Finnish
svenska
Swedish
Tagalog
Tagalog
Tiếng Việt
Vietnamese
Türkçe
Turkish
Vlaams
Flemish
Võro
Wika ng Võro
Ελληνικά
Greek
български
Bulgarian
кыргызча
Kirghiz
русский
Russian
српски
Serbian
українська
Ukranian
עברית
Hebrew
العربية
Arabic
فارسی
Persian
हिन्दी
Hindi
ไทย
Thai
ქართული
Georgian
日本語
Japanese
正體中文
Chinese (Taiwan)
简体中文
Chinese (China)
한국어
Korean